Maraming ng problemang kinkaharap ang ating bansa. Sana naman po aya magtulungan tayong lahat. Huwag po nating isipin nlang ang sarili natin. Isaisip din po natin ang ikakabuti ng mga nakakarami.
Iyong hostage taking na naganap kamakailan lamang ay maaaring magsilbing halimbawa na po sa ating lahat. Dahil sa pagiging makasarili ng ating ibang kababayan nakakagawa ang ibang tao ng trahedyang hindi naman po dapat na mangyari, trahedyang sobrang labag sa batas. Wala naman pong nakasaad na mabuti ang pumatay ng tao at lalong wala pong batas na tapakan ang mga naaapi na. Kaya naman po yung iba eh nakakagawa ng masama dahil sila mismo eh ginagawan ng masama. Kung lahat tayo ay magbibigayan wala sanang ganyang kalaking kaguluhan ang magaganap, wala sanang buhay na mawawala, wala sanang madadamay. Bansa natin ang naapektuhan ng matindi dahil dito. Sunod-sunod na sana yung mga karangalang natatanggap ng bansa tapos biglang sulpot ng panibagong problema. hahay BUHAY NGA NAMAN!